--> Mga Bahagi ng Pananalita - NON-STOP TEACHING
Home Filipino

Mga Bahagi ng Pananalita

Mga Bahagi ng Pananalita


Mayroon tayong sampung bahagi ng pananalita sa wikang Filipino. Ang Bahagi ng Pananalita ay kilala rin sa tawag na Parts of Speech sa wikang Ingles. Narito ang mga bahagi ng pananalita at ang kanilang mga halimbawa:

1. Pangngalan (noun) 
- Ito ay ang mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Karaniwang ginamit ito sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp.
Halimbawa: Rodrigo, lola, lalaki

2. Panghalip (pronoun)
- Ito ay ang mga salitang paghalili o pamalit sa pangngalan.
Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.

3. Pandiwa (verb)
-Ito naman ay ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw.
Halimbawa: kanta, tuwa, takbo.

4. Pangatnig (conjunction)
-Ito naman ay ginagamit upang ipagdugtong ang mga salita o pangungusap at maipakita ang relasyon nito sa isa't isa.
Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp.

5. Pang-ukol (preposition) 
- Ito naman ay ginagamit upang maipakita kung para kanino o para saan ang isang kilos o galaw.
Halimbawa: kay, para kay, nasa.

6. Pang-angkop (ligature)
- Ito ay isa sa mga bahagi ng pananalita na ginagamit upang maging magandang pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap.
Halimbawa: na, ng, g. magandang bata.


7. Pang-uri (adjective) 
- Ito naman ay ang mga salitang naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Magandang, Mabait, Mabuti,

8. Pang-abay (adverb) 
-Ito ang mga salitang naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay.

Halimbawa:

  • Mabilis na tumakbo ang aso papunta sa kanyang amo. (Pamaraan)
  • Binilihan ako ng Nanay ng isang mamahaling kwintas. (Panggaano)
  • Naglalaro ang mga bata araw-araw sa tabi ng dagat.(Pamanahon at Panlunan)
  • Talagang napakaganda ng araw ko ngayon. (Panang-ayon)
  • Hindi ko lubusang naintindihan ang leksyon sa Math. (Pananggi)

9. Pantukoy (article o determiner )
- Ito ay ang mga salitang tumutukoy sa relasyon ng paksa at panag-uri sa pangungusap.
Halimbawa: Ng, Sa, Nina, Ayon sa, Para sa atbp.

10. Pangawing (linker)
- Ito naman ang mga salitang nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

You may also like:


No comments:

Post a Comment

to Top