Jose P. Rizal (1861-1896)
Naipalimbag niya sa Berlin ang nobelang Noli Me Tangere (1887). Noong 1890, tinapos niya ang ikalawang nobela, ang El Filibusterismo sa Ghent, Belgium. Gumamit si Rizal ng mga sagisag na “Dimas-Alang” at “Laong-Laan”. Si Rizal ay nakapagsasalita ng dalawampu’t dalawang wika.
Marcelo H. del Pilar
Bilang pangunahing pinuno ng Kilusang Propaganda, ipinakita niya kaagad ang pagtutol sa mga pamamalakad ng mga Kastila. Lantad ang gayon niyang damdamin sa pahayagang Diariong Tagalog, na itinatag at pinamatnugutan niya noong 1882. Noong Nobyembre 15, 1889, napasalin sa kanya ang pagiging patnugot ng La Solidaridad. Gumamit siya ng mga sagisag tulad ng “Dolores Manapat”, “Piping Dilat”, “Maitalaga”, “Kupang”, “Carmelo”, “L.O. Crame” at “Pupdoh”.
Mga Akda ni Marcelo H. del Pilar:
1. “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” – salin ng tulang “Amor Patrio” ni Rizal.
2. Caiigat Cayo (1888)
3. Dasalan at Tocsohan (1888)
4. Ang Kadakilaan ng Dios
5. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas (1889)
6. Dupluhan…Dalit…mga Bugtong…
1. “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” – salin ng tulang “Amor Patrio” ni Rizal.
2. Caiigat Cayo (1888)
3. Dasalan at Tocsohan (1888)
4. Ang Kadakilaan ng Dios
5. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas (1889)
6. Dupluhan…Dalit…mga Bugtong…
Graciano Lopez Jaena (1856-1896)
Itinatag niya sa Espanya ang Circulo Hispano-Filipino; sumulat ng mga ulat para sa Circulo. Noong 1889, itinatag niya ang La Solidaridad at naging unang patnugot nito. Nang mapalipat kay M. del Pilar ang tungkulin ng patnugot, naging manunulat na lamang siya ng pahayagan. Nagkubli siya sa pangalang “Diego Laura”. Sa kanyang panahon, higit siyang kinilalang orador kaysa manunulat. Sinulat niya ang Fray Botod, isang maikling nobelang mapang-uyam na naglalarawan sa “kasibaan ng mga prayle”. Ang Fray Botod ay prayleng napakalakas kumain.
Mariano Ponce (1863-1899)
Gumamit ng mga sagisag na “Naning”, “Tikbalang”, “Kalipulako”. Kabilang sa mga akda niya ang “Mga Alamat ng Bulakan”, at ang dulang “Pagpugot kay Longino”.
Antonio Luna (1866-1899)
Parmasyutikong gumamit ng sagisag na Taga-ilog sa kanyang pag-akda. Marami siyang naiambag sa La Solidaridad. Kabilang sa mga akda niya ang “Noche Buena”, “La Tertulia Filipina”, “La Maestra de Mi Pueblo” at ang “Impresiones”.
Pedro A. Paterno (1858-1911)
May-akda ng Ninay isang nobelang sosyolohiko. Ito ang unang nobelang sinulat sa Kastila ng isang Pilipino.
Pascual Poblete (1858-1921)
Nobelista, makata, mananalaysay at tinaguriang “Ama ng Pahayagan”. Siya ang nagtatag ng mga pahayagang El Resumen, El Grito del Pueblo at Ang Tinig ng Bayan. Siya rin ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere.
Jose Maria Panganiban (1865-1895)
Sumulat ng mga sanaysay, lathalain at mga talumpati sa ilalim ng sagisag na Jomapa.
Pedro Serrano Laktaw
Leksikograpo at manunulat; isa ring pangunahing Mason. Siya ang unang sumulat ng Diccionario Hispano-Tagalog (1889).
Isabelo delos Reyes
Nagtatag ng “Iglesia Filipina Independente”; nagtamo ng gantimpala sa Exposisyon sa Madrid, sa sinulat na “El Folklore Filipino”.
Fernando Canon
Kaklase ni Rizal sa Ateneo. Sumulat siya ng tula ukol kay Rizal. Sa mga tulang pang-Rizal nagsimula ang kanyang katanyagan. Kapwa pintor naman sina Juan Luna at Felix Resureccion Hidalgo.
Mga Nakilalang Mandudula
Severino Reyes (1861-1942)
Pangunahing manunulat ng sarsuwela si Severino Reyes. Kilala rin siya sa sagisag na “Lola Basyang” dahil sa kanyang mga kuwentong-bayan na inilathala sa Lingguhang Liwayway. Ang kanyang sarsuwelang Walang Sugat ang itinuturing na kanyang obra-maestra. Noong 1922, naging patnugot siya ng Liwayway.
Patricio Mariano
Isang mandudula, peryodista, kuwentista, nobelista at makata. Marami siyang nasulat na dula na kinabibilangan ng Anak ng Dagat, Ang Tulisan, Ang Dalawang Pag-ibigi, Ako’y Iyo Rin, at iba pa. Siya ng tinaguriang Dekano ng mga Mandudulang Tagalog.
Hermogenes Ilagan
Siya ang masasabing kaagaw ni Severino Reyes sa kasigasigan sa paglikha at pagtatanghal ng sarsuwela. Ang pinakatanyag niyang dula ay ang Dalagang Bukid.
Julian Cruz Balmaseda
Namumukod ang kanyang aral sa pag-iimpok sa sulang Ang Piso ni Anita. Ito ang dulang nagtamo ng unang gantimpala sa timpalak ng Kawanihan ng Koreo; sa kanyang Sa Bunganga ng Pating, binaka niya ang sakit na nililikha ng salaping patubuan.
Aurelio Tolentino (1868-1913)
Dalubhasa sa paggamit ng tatlong wika, Pampango, Tagalog at Kastila. Maraming dula siyang nasulat tulad ng Bagong Kristo, isang sulang sosyolohiko; Sumpaan, isang romantikong sarsuwelang may tatlong yugto. Ngunit higit sa lahat ng mga dula niya, ang nakilala’y ang kanyang Kahapon, Ngayon at Bukas. Isang alegoriya ang dulang ito ay naglalahad sa pamamagitan ng mga simbolikong tauhan na pinagdadaanan ng Pilipinas.
Juan K. Abad
Nang magsimula ang himagsikan sinunog ng lahat ni Abad ang kanyang mga akdang nanunuligsa sa pamahalaan at sa mga prayle at pagkaraa ay umanib siya sa Katipunan. Hinarap ni Abad ang pagbaka sa comedia sa paniniwalang ito ay nakakalason sa isipan ng mga Pilipino.
No comments:
Post a Comment