--> Ang Alfabetong Filipino at ang Kasaysayan Nito - NON-STOP TEACHING
Home Filipino

Ang Alfabetong Filipino at ang Kasaysayan Nito

Ang Alfabetong Filipino at ang Kasaysayan Nito

Ang makabagong Alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik. Ito ay hango sa alfabetong Ingles na may 26 na titik at dinagdagan ng titik Ñ at NG. Ang NG ay itunuturing na isang titik lamang.

Kasaysayan ng Alfabetong Filipino

Alibata ang tawag sa kauna-unahang alfabetong Filipino. Ito ay pamana ng mga nandayuhang Malayo-Polinesyo at binubuo ng labimpitong titik: 3 patinig at 14 katinig.

Mula sa Alibata, nabuo ang abakadang Filipino. Ito ay binubuo ng 20 titik: 5 patinig at 15 patinig. Noong 1971, nagdagdag ng 11 titik sa dating alpabetong Filipino. Ang mga alpabetong nadagdag ay, C, Ch, F, J, Ll, Ñ, Q, Rr, V, X, at Z. Samakatuwid ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 31 titik.

Ang makabagong alfabeto ay binubuo ng 28 titik, 20 ang galing sa orihinal na abakada at isinama ang pitong titik ng English: C, F, J, Q, V, X, Z at Ñ mula sa Kastila. Ayon sa ulat na ginawa ni Dr. Ernesto Constantino ng Pamantasan ng Pilipinas, ang pagdaragdag ng nasabing walong titik na bagong alpabeto ay magpapadali sa panghihiram ng mga salitang kailangang hiramin para mapayaman, mapaunlad at maging epektibo at modernisado ang Wikang Pambansa.

Aa
[ey]
Bb
[bi]
Cc
[si]
Dd
[di]
Ee
[ii]
Ff
[ef]
Gg
[dyi]
Hh
[eyts]
Ii
[ay]
Jj
[dsey]
Kk
[key]
Ll
[el]
Mm
[em]
Nn
[en]
Ññ
[enye]
NGng
[en dyi]
Oo
[o]
Pp
[pi]
Qq
[kyu]
Rr
[ar]
Ss
[es]
Tt
[ti]
Uu
[yu]
Vv
[vi]


Ww
[dobolyu]
Xx
[eks]
Yy
[way]
Zz
[zi]



Sanskrit o Sanskrito


Ang paraan ng pagsulat na ito ay isang uri ng paraang abiguda na gumagamit ng katinig-patinig na kombinasyon. Kung kaya’t mapapansin na ang pinakapayak na anyo nito ay mayroon lamang tunog sa hulihan na /a/. Nilalagyan lamang ng kudlit sa itaas upang makalikha ng tunog na nagtatapos sa /e/ at /i/ at sa ibaba naman inilalagay upang makalikha ng tunog na /o/ at /u/.
Wikang klasiko (classic) ng India; ginagamit sa mga relihiyon at pananaliksik sa agham
Sinasabing pinagmulan ng alibata

Alibata o Baybayin

Isang paraan ng pagsulat na ginagamit bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay kahalintulad sa sistema o paraan ng pagsulat ng mga taong Java na tinatawag na kayi. Ang paraan ng pagsulat na ito ay pinaniniwalaang ginagamit na noong 14 na siglo hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ang salitang baybayin ay nangangahulugang ispeling o pagbaybay.

Katutubong sistema ng pagsulat/alpabeto ng iba’t ibang pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas mula 1000-1200 hanggang 1800.
BAYBAYIN hango sa salitang “baybay” (to spell)
ALIBATA hango sa “alif bata” (2 unang titik sa Arabic: “alif” at “bet”)
May kaunting pagkakaiba ang bawat alibata para sa bawat partikular na wika (iba ang sa Tagalog, iba ang sa Bisaya atbp.)

Di matiyak ng mga eksperto
Sa Celebes (matandang paraan ng pagsulat ng mga Javanese)
Sa India (mula sa mga paraan ng pagsulat ng iba’t ibang lugar sa India: Sanskrit; Brahmi; Assam etc.)


ABECEDARIO

Ito ay binubuo ng 29 na letra at hango sa Romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat.
Alpabetong Kastila; mula sa Alpabetong Romano
Isinusulat ang mga titik gaya ng sa alpabetong Romano
Itinuro sa piling mga mag-aaral (sa mga klaseng tinatawag na caton, kadalasan sa mga kumbento atbp.)
Ayaw turuan ng mga Kastila sa Pilipinas ang mga indio dahil alam nilang matatalino ang mga ito at kapag tinuruan ng wikang Espanyol ay maiintindihan ang ginagawang panloloko sa kanila
Pilipinas lang ang dating kolonya ng Espanya na di natutong magsalita ng Espanyol (maliban sa mga intelektwal na nasa alta sociedad at gitnang uri/middle class)

ABAKADA

Ito ay mula kay Lope K. Santos na kung saan binubuo ito ng 20 letra. Mayroon itong limang (5)  patinig (a, e, i, o, u) at labinglimang (15) katinig (b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, o, w, y). Ang Alpabetong ito ay batay sa wikang Tagalog na binuo ni Lope K. Santos at naisapubliko sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1940):
a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y

ALPABETONG PILIPINO (1976)

Ito naman ay binubuo ng 31 titik. Ang dating abakada na binubuo ng dalawampung (20) titik ay nadagdagan ng labing-isa (11) pang titik mula sa abecedario. Ang mga naidagdag na titik ay: c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x at z

ALPABETONG FILIPINO (1987)

Ito ay binubuo ng 28 titik: lima (5) ang patinig at dalampu’t tatlo (23) naman ang katinig. Ang paraan ng pagbigkas ay batay sa Ingles.

You may also like:


No comments:

Post a Comment

to Top