Ang wika ang pinakamabisang instrumento ng komunikasyon at wikang Filipino para sa mga Pilipino. Ito ay nahahati sa apat na uri.
1. Balbal - ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran.
Halimbawa: parak (pulis), iskapo (takas), istokwa (layas), juding (binababae), tiboli (tomboy), epal (mapapel), istokwa (layas) ,haybol (bahay)
2. Lingua Franca o Panlalawigan - Kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita. Ang mga Cebuano, Iloko, Batangueno, Bicolano at iba pa ay may temang lalawiganin sa kani kaniyang dila. Isang matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ay ang punto o accent AT (hindi, O) ang paggamit ng mga salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog.
3. Pambansa - salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Sa Pilipinas, laman pa rin ng pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito. Marami ang nagsasabing ito ay Filipino, samantalang ang iba naman ay may katwiran ding tawaging Tagalog lamang ang Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kung mauunawaan na ang Filipino at ang kaniyang alpabeto (Simpleng alpabeto) ay maunlad, at may mga hiram na titik. Ang Filipino naman ay kalipunan ng mga salitain ng lahat ng mga Filipino (tao) maging lalawiganin man, o balbal, mapa Tagalog man o banyaga. Sa kadahilanang ito, ang Tagalog ang siyang tinuturing na wikang Pambansa at hindi ang Filipino. Gayunpaman dahil kasulatan at kasaysayan, ang Filipino pa rin ang naitala at kinikilalang wikang pambansa.
4. Pampanitikan - Ito ang pinakamayamang uri. Kadalasa'y ginagamit ang mga salita sa ibang pang kahulugan. Mayaman ang wikang pampanitikan sa paggamit ng tayutay, idioma, eskima at ibat ibang tono, tema at punto. Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang Panitikan ay ang "Kapatid na babae ng Kasaysayan", ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at maaring tumaliwas din sa kasaysayan dahil sa kaniyang kakayahang lumikha ng mga tauhang piksyunal o kathang isip. Ito ay kadalasang nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang-pampanitikan.
No comments:
Post a Comment