Paghihiram ng mga salita
Walang salitang buhay na gaya ng Filipino ang puro. Dahil sa pagkakaiba-iba sa kultura ng mga bansa, may mga salitang banyaga na na hindi matatagpuan sa salitang Filipino kapag isinasalin. Sa pangyayaring ito, ang tanging magagawa ay manghiram o dili kaya ay lumikha ng bagong salita.
Walang masama sa panghihiram ng salita. Hindi naman kailangan pang humingi ng pahintulot sa bansang hihiraman na mga salita; hindi rin kailangan pang isauli ang salita pagktapos na hiramin hindi rin ito nakakahiya
Ayon sa pag-aaral:
Limang libong salitang kastila na hiniram sa Filipino.
Tatlong libong salitang malay.
Isang libo sa ingles at daan-daang mga salita rin ang hiniram natin sa Instik, Arabe, Sanskrito, Latin, Niponggo, Aleman, Pranses at iba pa.
Salitang teknikal at pang- agham ang una nating hinihiram.
Sa halip na lumikha tayo ng salita, hinihiram na lamang natin ang nga salitang ito.
May mga salitang panteknikal at pang-agham ang Maugnayang Pilipino na ginagamit sa pinatatanyag ng araneta university, subalit ang mga ito ay hindi itinatagubilin ng Komisyon ng Wikang Filipino kaya hindi palasak na ginagamit sa mga paaralan.
Bukod sa katotohanang ang wika ay nakasanding sa kultura, may mga salita rin na hango sa pangalan ng kilalang tao tulad ng voltage, watt at quixotic na tinatawag na eponym. Dahil dito, hindi lahat ng salita ay maaring bigyan ng salin at talagang hindi maiiwasan ang panghihiram ng mga salita lalu ang mga salitang agham at teknikal.
Kung susuriin natin, may dalawang paraan ng panghihiram ng salita ang umiiral.
1. Tuwirang Hiram - hinihiram ng buo ang salitang banyaga at inaangkop ang bigkas at ispeling sa ortograpiyang Filipino.
Halimbawa:
Barco - Barko
Antenna - Antena
Repollo - Repolyo
Silla - Silya
Piña - Pinya
Nitrogen - Naytrodyen
Phonology - Ponoloji
Produce - Prodyus
Chemistry - Kemistri
2. Ganap na hiram - dahil sa praktikalidad hinihiram ng buo ang salitang banyaga nang walang pagbabago sa anyo. Halimbawa ang mga salitang cake, ice cream, computer, door bell, humburger, physics, laser, atbp.
Noong mga nakakaraang panahon kapag nanghihiram ng salita, ang unang preperens ay Kastila sapagkat konsistent ang ispeling nito (Kastila) tulad ng Filipino. Ngunit ngayon, higit na pinipili ang Ingles.
Noon - Ngayon
Sorbetes - Ice cream
Klinika - Clinic
Laboratoryo - Laboratory/Laboratori
Sikolohiya - Psychology/Saykoloji
Kimika - Kemistri
Pisika - Physics
Ehinyero - Engineer
Halimbawa ng maugnayang Pilipino
Daktinig (mikropono)
Agsikap (inhinyero)
Miksipat (mikroskopyo)
Batidwad (telegrama)
Sipnayan (matematika)
Liknayan (pisika)
Dr. Alfonso Santiago ang nagtakda ng mga tuntunin o paran ng panghihiram sa Ingles sa aklat niyang “Sining ng Pananaliksik”.
1.) Paraan I. Pagkuha ng katumbas sa Kasti8la ng hihiraming salitang Ingles at pagbaybay dito ayon sa palabaybayang Filipino.
Halimbawa:
Liquid=liquido=likido
Cemetery=cementerio=sementeryo
2.) Paraan II. Kung hindi maaari ang paraan I (walang katumbas sa Kastila), hiramin ang salitang Ingles at baybayin sa palabaybayang Filipino.
Halimbawa:
Tricycle=trisikel
Truck=trak
Train=tren
3.) Paraan III. Kapag hindi maaari ang Paraan I at Paraan II, hiramin ang salitang Ingles at walang pagbabagong gawin sa pagbaybay.
Halimbawa:
Manila Zoo = Manila Zoo
Visa = Visa
Xylem = Xylem
Zygote = Zygote
Xerox = Xerox
Sandwich = Sandwich
Zamboanga = Zamboanga
Francisco = Francisco
Roxas = Roxas
Villiviza = nilliviza
Mga alituntunin hinggil sa mga bagong hiram na salita
Hinggil sa mga Bagong Hiram na Salita
1.1 Baybayin alinsunod sa paraan ng wikang Filipino ang mga bagong
Hiram na salita, maliban sa sumusunod na kaso:
1.1.1 Pangngalang pantangi. Halimbawa, Victoria, Galicia,
Washington Circle, Shinjuko, Czech, National Basketball
Association, Halili Beer, Ma Mon Luk.
1.1.2 Teknikal o siyentipikong salita. Halimbawa, carbon dioxide,
Chemotherapy, green house effect, pizzicato, sodium glumate, varicose, x-ray.
1.1.3. Salitang may natatanging kahulugang pangkultura. Halimbawa,bolshoi, feng shui, geisha, gourmet, jazz, joie de vivre, kibbutz, mardi gras, pizza.
1.1.4. Malayo na ang anyo sa orihinal kaya mahirap makilala o nagiging kakatwa ang anyo kapag binaybay sa Filipino. Halimbawa,“jeywoking” (jaywalking), “rendevu” (rendevous), “ispid” (speed),“ordev” (hors d’euvre), “feris wil” (ferris wheel), “pastits”(pastiche), “montadz” (montage), “tsokoleyt keyk” (chocolate cake).
1.1.5. Kilala na sa orihinal at banyagang anyo ng mga hiram na salita. Halimbawa, box, cat, coke,duty-free, exit, faux pas, fax, fike, jai alai, jogging, mall, save, shabu, shop, stop, store, taxi, whisky, x-rated.
1.2 Sa pagbaybay ng mga salitang hiram na naglalaman ng alinman sa 11 tunog patinig sa Ingles, piliin ang pinakamalapit sa tunog at anyo ng palabaybayang Filipino. Halimbawa, drayb (drive), geyt (gate),istandardiseysiyon (standardization), layt (light).
1.3 Iwasan ang gitlapi kapag ginagamit na pandiwa ang mga hiram na salita at hindi binago ang baybay. Inihihiwalay ng gitling ang panlapi sa hiram na salita. Halimbawa, mag-delete, i-delete, nag-hot-oil, i-salvage, mag-email-han. Ngunit kung hindi maiwasan ang gitlapi, baybayin sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa, dumelit,hinat-oyl, sinalveyds, inimeyl.
No comments:
Post a Comment