--> Ang Haiku at mga Halimbawa Nito - NON-STOP TEACHING
Home Filipino

Ang Haiku at mga Halimbawa Nito

Ang Haiku at mga Halimbawa Nito


Ano ang Haiku?

Ang haiku ay tula ng mga hapones na binubuo ng labingpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtud. ang unang taludtud ay binubuo ng limang pantig, ang pangalawang taludtud naman ay binubuo ng pitong pantig at ang ikatlong taludtud ay binubuo di ng limang pantig gaya sa una. (5-7-5).Noon ay tinawag na hokku, ang nagbigay sa haiku ng pangalan nito ngayon ay isang manunulat na Hapones at siya si Masaoka Shiki sa katapusan ng 19th century.


Halimbawa ng Haiku:

Paniniwala
Mabuting gawa
Mayroong gantimpala
Galing sa AMA.
Ama sa langit
Ikaw ngayo’y magalit
Sa malulupit.

Sining
Mahirap pala
Ang lima-pito-lima
Pantig na tula.
Kakaiba nga,
Ganitong mga tula
Nakakasigla.

Pag-ibig
Diwa ko’t puso,
Ay para lang sa iyo,
Minamahal ko.
Iyong alindog
Sa aki’y tumatagos
O, aking irog.

Pag-aasawa
Madaling-araw
Nang umuwi ng bahay,
Lasing na naman.

Pag-aasawa
Di kaning iluluwa,
Kapag ayaw na.

Kaibigan
Ang kaibigan
Iyong malalapitan
Sa kagipitan.

Pakikisama
Sa iyong mga kapwa
Dulot ay saya.

Kamatayan
Saan tutungo
Itong buhay ng tao,
Sa ibang mundo?
Kabilang buhay,
Totoo ba o sablay
Kapag namatay.

Kuliglig
Gabing tahimik
Sumasapi sa bato
Huning kiliglig

Tagak
Talim ng kidlat
Sa dilim umiiyak
Ang puting tagak

You may also like:


No comments:

Post a Comment

to Top