Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto(juncture), pagtaas-pagbaba ng tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening). Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nagpapalitan. Sa pagkakataon na ang ponema ay malayang nagpapalit, ang baybay ng salita ay nag iiba ngunit hindi ang kanilang mga kahulugan. Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog.
1. Ponemang segmental
Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.
a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal stop (?) sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa.
b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinigHalimbawa:
ba: tah - housedress
tub: boh - pipe
ba: ta? - child
tub: bo? - profit
c) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.
d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.
Halimbawa:babae - babai
kalapati - kalapate
lalaki - lalake
noon - nuon
e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.
Halimbawa:uso - modern
mesa - table
oso - bear
misa - mass
2. Ponemang Suprasegmental
Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental, - ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.
Halimbawa :
sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/
-ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito.
Halimbawa:1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /LAmang/siya.
Apat na Ponemang Suprasegmental
May apat na ponemang suprasegmental:
1. Haba (length) - ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng isang pantig. Maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
Halimbawa:1. bu.kas - nangangahulugang susunod na araw
2. bukas - hindi sarado
2. Tono (pitch) - ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig. Nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap, tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono.Maaaring gamitin ang bilang. 1 sa mababa, bilang. 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas.
Halimbawa:1. Kahapon - 213 (pag-aalinlangan)
2. Kahapon - 231 (pagpapatibay)
3. Talaga - 213 (pag-aalinlangan)
4. Talaga - 231 (pagpapatibay)
3. Antala (juncture) - tumutukoy ito sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.Maaring gumamit ng simbolo kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ), o gitling ( - )
Halimbawa:1. Hindi, siya ang kababata ko.
2. Hindi siya ang kababata ko.
4. Diin (stress o emphasis) - ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makakatulong sa pag unawa sa kahalagahan ng mga salita. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
Halimbawa:1. BU:hay - kapalaran ng tao
2. bu:HAY - humihinga pa
3. LA:mang - natatangi
4. la:MANG - nakahihigit; nangunguna
Pagbabagong Morpoponemiko
Iba't Ibang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko1. Asimilasyon - kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / d, l, r, s, t /, ang
panlaping pang- ay nagiging pan-. Ito ay nagiging pam- naman kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / b, p /.
Paalala: Nananatilinng pang- kapag ang kasunod na tunog ay mga katinig na / k, m, n, ng, w, y / o patinig ( a, e, I, o, u ). Nilalagyan ng gitling ( - ) kapagang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig.
Halimbawa:
1. Pang + lunas - panglunas - panlunas
2. Pang = baon - pangbaon - pambaon
3. Pang + kulay - pangkulay
4. Pang + isahan - pang - isahan
2. Pagkakaltas - sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa loob ng salita.
Halimbawa:
1. Sunod + in - sunodin - sundin
2. Takip + an - takipan - takpan
3. Dala + han - dalahan - dalhan
3. Maypalit - may mga ponemang napapalitan o nagbabago sa pagbuo ng salita.
nagaganap ang pagpapalitan ng /r/ at /d/ kapag ang /d/ ay nasa pagitan ng
dalawang patinig.
Halimbawa:
1. Ma + dami - madami - marami
2. Bakod + bakudan - bakuran
4. Pagpapaikli ng salita - Pagpapaikli at pagpapabilis ng pagbigkas ng salita.
Halimbawa:
1. Hinatay ka - Tayka - teka
2. Tayo na - Tayna - tena, tana
3. Wikain mo - Ikamo - kamo
4. Wika ko - ikako - kako
No comments:
Post a Comment