Ano ang Pantig?
Ang pantig ay binubuo ng isang salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa pamamagitan ng isang walang bugso ng tinig. Ang isang salita ay binubuo ng o ng mga pantig. Ang isang pantig ay binubuo ng mga tunog (pasalita) at letra (pasulat). Nakaklasifay ang mga letra sa dalawa, mga consonant o katinig "K" at mga vowel o patinig "P".
Apat na Kayarian ng Pantig
1. P - isang patinig, tulad sa unang pantig ng salitang "aso" (P-KP) [na may dalawang pantig “a” (P) at “so” (KP)]
2. KP - isang katinig at isang patinig, tingnan sa blg. 1
3. PK - isang patinig at isang katinig, tulad sa unang pantig ng salitang “astig” (PK-KPK) [na may dalawang pantig “as” (PK) at “tig” (KPK)]
4. KPK - isang patinig sa gitna ng salawang katinig, tingnan sa blg. 3
Nang pumasok ang mga salitang Spanish, nagkaroon ng “kambal-katinig” (tulad ng BR sa salitang “braso”, PL at TS sa salitang “plantsa” atbp.) o klaster sa Filipino. Nandyan ang KKP (”bra” ng salitang braso) at KKPK (”tren”).
Sa Filipino, tanggap ang paggamit ng mga salitang hiram sa English at binaybay sa Filipino.
Pormasyon ng Pantig
1. P (Patinig) - pantig na binubuo ng patinig lamang, kaya't tinatawag na payak
Halimbawa:
a-ba-ka
I-go-rot
a-so
a-wit
e-le-men-tar-ya
2. PK (Patinig/Katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa hulihan
Halimbawa:
es-trang-he-ro
un-tog
al-pom-bra
ak-sa-ya
it-log
am-bon
3. KP (Katinig/Patinig) - pantig na binubuo ng pantinig na may tambal na katinig sa unahan, kaya't tinatawag na tambal una.
Halimbawa:
ka–ro
pu–sa
ba-ta
ma-ta
te-la
4. KPK (Katinig/patinig/katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at hulihan kaya tinawag na kabilaan.
Halimbawa:
bas–ton
bun-dok
Buk-lat
sam-pal
bi-sik-leta
suk-li
tin-da
5. PKK (Patinig/Katinig/Katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa hulihan.
Halimbawa:
ins-tru-men-to
eks –tra
eks-pe-ri-men-to
obs-truk-syon
blo-awt
ins-pi-ras-yon
eks-per-to
6. KKP (katinig-katinig-patinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan.
Halimbawa:
plo-re-ra
kla-se
pro-tes-ta
tra-ba-ho
bra-so
7. KKPK (Katinig/Katinig/Patinig/Katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at katinig sa hulihan.
Halimbawa:
plan-tsa
trak-to-ra
trum-po
tray-si-kel
kwad-ra
8. KPKK (Katinig/Patinig/Katinig/Katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unapan at sa hulihan.
Halimbawa:
nars
kard,
airport
tung-ku-lin
keyk
9. KKPKK (katinig-katinig-patinig-katinig-katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at hulihan.
Halimbawa:
trans-por-tas-yon
Ang Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paghahati ng salita sa pantig o mga pantig.1. Ang magkasunod na dalawa o higit pang patinig ng salita ay hiwalay na mga pantig
Halimbawa:
uupo > u – u - po
paano > pa – a – no
noo > no - o
2. Ang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita ay pinaghihiwalay, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang ikalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
tukso > tuk - so
pandak > pan - dak
luksa > luk – sa
3. Sa hiram na salita, ang magkasunod na katinig ay parehong kasama sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
sobre > so-bre
pobre > po-bre
4. Sa pag-uulit ng pantig:
a. Ang patinig lamang ang inuulit kung ito ay unang tunog ng salitang ugat.
Halimbawa:
asa > a-a-sa
alsa > a-al-sa
ekstra > e-eks-tra
b. Kung ang unang pantig ng salitang ugat ay nagsisimula sa katinig-patinig ang katinig at kasunod na patinig lamang ang inuulit
Halimbawa:
punta > pu-pun-ta
sulat > su-su-lat
prito > pi-prituhin
No comments:
Post a Comment