--> Ang Balita at ang mga Kahalagahan Nito - NON-STOP TEACHING
Home Filipino

Ang Balita at ang mga Kahalagahan Nito

Ang Balita at ang mga Kahalagahan Nito

Ano ang Balita?

Ang balita ay ang komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahihimpawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa maramihang mambabasa, nakikinig o nanonood.
· Ang mga mamamahayag ay may ganitong kasabihan: kapag ang tao ay nakagat ng aso, hindi ito balita; ngunit kapag ang aso nakagat ng tao, ito ay balita.
· Sa ibang pakahulugan, ang balita ay isang pangyayaring hindi pangkaraniwan. Ito ay maaaring tungkol sa mga pangyayaring naganap o nagaganap na bago sa pandinig ng madla.
[ads-post]
Balitang Panlokal - tumatalakay sa mahahalagang pangyayaring naganap lamang sa isang tiyak na bahagi ng bansa.
Balitang Pambansa - tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa buong bansa
Balitang Pandaigdig - tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa iba't ibang bansa sa daigdig

Mga Uri ng Balita

Mayroong pitong (7) uri ang balita:
1. Pang-edukasyon
2. Pampulitika
3. Pampalakasan
4. Pantahanan
5. Pangkabuhayan
6. Panlibangan
7. Pangkapaligiran

Kahalagahan ng Balita

Mahalaga ang balita sapagkat:
1. Nagpapayaman ito ng talasalitaan.
2. Nagbibigay ito ng dagdag na karunungan.
3. Nagpapalawak ito ng kaalaman tungkol sa paligid.
4. Nagpapabatid ito sa takbo ng panahon at kalagayan.
5. Nagpapatalas ito ng kakayahang mangatwiran batay sa mga tiyak na kaalaman.

Mga Mahahalagang Salik ng Balita

1. Mga pangyayari o detalye nito
2. Kawilihan
3. Mambabasa

You may also like:


No comments:

Post a Comment

to Top