Mga Halimbawa ng Akdang Pampanitikan
Akdang Tuluyan ay yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap.- Alamat - ito'y mga salaysaying hubad sa katotohanan.Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa rito.
- Anekdota - ito ay isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon.Ginagalawan ito ng maraming tauhan.
- Nobela - Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.
- Pabula - Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.
- Parabula - isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
- Maikling kwento - ito'y salaysaying may isa o ilang tauhan,may isang pangyayari sa kakintalan.
- Dula- ito'y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan.Nahahati ito sa ilang yugto,at bawat yugto ay maraming tagpo.
- Sanaysay - isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
- Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
- Talumpati - isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado.
- Balita - ay ang komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan.
- Kwentong bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
- Salawikain - ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
- Kasabihan - kawikaang nagsasaad ng ating karanasan.
Mga Akdang Patula
Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
1. Awit at Korido - isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong.
2. Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala
3. Balada - isang uri o tema ng isang tugtugin.
4. Sawikain - ay maaaring tumukoy sa:
A. idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
B. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
C. salawikain, mga kasabihan o kawikaan.
5. Bugtong - Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).
6. Kantahin - ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng makikinig
7. Tanaga - isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.
8. Tula - Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.
No comments:
Post a Comment