Mga Halimbawa ng Bugtong
Narito ang mga halimbawa ng bugtong sa panahon ng katutubong panitikan.1. Bugtong : Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.
Sagot: Buwan
2. Nagtago si Pedro, labas ang ulo.
Sagot : Pako
3. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
Sagot: Atis
4. Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona
Sagot: Bayabas
5. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
Sagot: Saging
6. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
7. May langit, may lupa, May tubig, walang isda.
Sagot: Niyog
8. Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob.
Sagot: Alkansiya
9. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: Anino
10. Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba.
Sagot: Bahaghari
11. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: Banig
12. Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila.
Sagot: Bituin
13. Hindi hari, hindi pari ang damit ay sari-sari
Sagot: Sampayan
14. Nagbibigay na'y sinasakal pa
Sagot: Bote
15. May binti, walang hita, May tuktok, walang mukha.
Sagot: Kabute
16. Bata pa si Nene, Marunong nang manahi
Sagot: Gagamba
17. Nagtago si pedro nakalabas ang ulo
Sagot: Pako
18. Kung kailan pinatay,saka pa humaba ang buhay
Sagot: Kandila
19. Magandang prinsesa,nakaupo sa tasa
Sagot: Kasoy
20. Hindi akin hindi iyo ari ng lahat ng tao
Sagot: Mundo
21. May puno walang bunga,may dahon walang sanga
Sagot: Sandok
22. Kay lapit sa mata hindi mo pa rin Makita
Sagot: Tenga
23. Baboy ka sa pulo ang balahibo'y pako
Sagot: Langka
24. Dalawang bolang sinulid abot hanggang langit
Sagot: mata
25. Buto't balat lumilipad
Sagot: Saranggola
26. Lumalakad walang paa lumuluha walang mata
Sagot: Bolpen o pluma
27. Dalawang magkaibigan Habulan ng habulan
Sagot: Paa
28. Hindi tao, hindi ibon Bumabalik ‘pag itapon.
Sagot: Yoyo
29. Mataas kung nakaupo Mababa kung nakatayo.
Sagot: Aso
30. Bahay ni Tinyente Nag-iisa ang poste.
Sagot: Payong
31. Hayan na, Hayan na ‘Di mo pa makita.
Sagot: Hangin
32. Iisa ang pasukan Tatlo ang labasan.
Sagot: Damit
33. Eto na si Kaka, bubukabukaka.
Sagot: Gunting
34. Isang magandang dalaga ‘Di mabilang ang mata.
Sagot: Mais
35. May langit May lupa May tubig Walang isda.
Sagot: Buko
36. Bahay ni Mang Pedro, punong-puno ng bato.
Sagot: Papaya
37. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: Kampana
38. Sa isang kalabit, may buhay na kapalit
Sagot: Baril
39. Isang balong malalim, Punong-puno ng patalim.
Sagot: Bibig
40. Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niya’y nakaharap pa
Sagot: Balimbing
41. Kung tawagin nila’y santo, hindi naman milagroso.
Sagot: Santol
42. Nang maliit ay gulok Nang lumaki na’y sandok.
Sagot: Niyog
43. Nang umalis ay lumilipad Nang dumating ay umuusad.
Sagot: Ulan
44. Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato.
Sagot: Papaya
45. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
Sagot: Saging
46. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
Sagot: Duhat
47. Tiningnan nang tiningnan Bago ito nginitian.
Sagot: Mais
48. Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal.
Sagot: Lansones
49. Ang manok kong pula Umakyat sa puno ng sampaka Ng umuwi ay gabi na.
Sagot: Araw
50. Isang suman, Magdamag kong tanuran.
Sagot: Unan
No comments:
Post a Comment